Showing posts with label Tips / Modification. Show all posts
Showing posts with label Tips / Modification. Show all posts

Wednesday, June 19, 2019

ERS 150 3pins stock flasher relay to 2pins

Nagawa ko rin na mai-convert ang 3 pins stock flasher relay ng ERS 150 ko to 2 pins. Ngayon, di na mahirap mag hanap ng kapalit kapag nasira siya. Nilipat ko rin location niya kung saan madali lang siyang palitan di tulad ng location ng original na kelangan mo pang baklasin ang ulo ng motor bago mo mapalitan. Eh, di bale nga sana kung madali lang tanggalin eh, kaso hindi. 

Sa mga nag paplano ring mag convert, panoorin niyo na lang ang video ko.


Wednesday, February 20, 2019

My ERS 150RII axle cover and helmet hook

Tagal ko ng inorder ito pero ngayon ko lang naikabit. Kelangan ko pang bumili ng socket wrench para magawa ko ito. Paano ba naman, yung kasamang tools ng motor ay basic tools lang pero ang mga turnilyo niya nakalubog lahat. Di bale sana kung mga philip screw head eh, kaso hindi.

DIY lang nakabit yan mga bossing. Just sharing. Black/Violet ang theme ng MS ERS150RII ko.

Helmet Hook

Axle Cap

XRM 110 Caliper on CB110

Marami ang nag tatanong kung anong front caliper daw ang puwede sa CB110 na pamalit sa original. Marami ang nag sasabi na puwede daw ang caliper ng XRM110 pero walang makapag pakita ng picture ang makapag sabi kung paano nila kinabit.

Anyway, dahil tight ang budget ko at kelangan ko ng palitan ang front caliper ni Hansel, napilitan akong bumili ng XRM110 front caliper. Ang ginawa ko, nag hanap muna ako ng mababang presyo ng caliper at ng meron na akong napagtanungan, tinanong ko kung kasya sa CB110, di rin nila masabi. So sabi ko, bahala na dahil di ko magamit si Hansel na wala akong front brake.

Ginawa ko binaklas ko ang original at dinala ko dun sa bibilhan ko para isukat. Nalaman ko na sukat ang caliper pero di ang bracket. Di siya plug and play, kelangan mag butas sa original bracket para mailagay ang caliper ng XRM, problema kelangan ko ng gamitin at wala akong panahon mag pabutas pa.

XRM 110 Caliper

XRM110 Caliper on CB110

Ito ang picture ng XRM110 caliper na nakakabit sa CB110 ko. Isang turnilyo lang ang naikabit ko dahil di na abot yung butas ng kasamang bracket sa turnilyuhan ng CB110. Alam kong medyo delikado to dahil isa lang ang sumosuporta sa caliper, ang ginawa ko na lang ay hinigpitan ko ng todo ang turnilyo para walang alog at walang play at ni road test ko.

So far, mag ttwo weeks ko ng gamit ang caliper, nakakapit pa rin siya, di pa ako nag aadjust. Tamang takbo lang naman ako, mga 40-60kph kaya ok lang at mas ginagamit ko ang rear brake ko kesa sa front brake. Kumbaga, pantulong na lang yung front brake.

Sa mga naghahanap ng solution diyan sa pagkabit ng XRM110 na caliper sana makatulong itong post ko.

Friday, January 11, 2019

Installing seat damper in Motorstar ERS 150

Sa wakas at nainstall ko rin ang seat damper na binili ko bago pa ang Pasko pero hindi ko nagawang iinstall dahil sa napakabait na bagyo na dumaan sa Pilipinas noong huling 2 linggo ng December.

Dahil nauuso ang mga ubox ngayon lalo na sa mga underbone na motor at mga scooter, malaking tulong ang seat damper sa pag bukas ng upuan ng mga motor natin at panatiliin itong naka bukas habang meron tayong kinukuha o nilalagay sa loob ng ubox natin. Naranasan mo na bang habang may kinukuha ka sa ubox mo o di kaya kapag nag papa-gas kay ay babagsak na lang ang upuan mo dahil biglang humangin ng malakas. Ngayon, kapag may seat damper ka, di mo na problema ito dahil mananatiling naka bukas ang ubox mo hanggang hindi mo ito sinasara.

Pakitignan na lang ang pictures at simpleng video na ginawa ko para mapakita ang advantage ng seat damper.




Saturday, August 13, 2016

DIY Motorcycle Taillight LED conversion

Naghahanap ako sa net ng conversion ng tail light ng CB110 from stock bulb to LED. Since mahilig naman ako mangalikot puwede kong gawin ito during my day off.

Madami-dami na rin akong nahanap pero siguro ito ang the best guide na nahanap ko.

Please click here to see the original post. 

Ito yung diagram niya:






Parts/Material Required –

1 Perforated PCB prototype board (Size depends on your tail light, for me 10 cm x 10 cm was enough)

LEDs -

Red LEDs (Number of LEDs depends on your configuration. I used 46 in my setup),
3 x 1w white LEDs for number plate illumination,

Resistors -

11 x 100 ohm 1/4w,
1 x 100 ohm 1w,
1 x 50 ohm 1/4w,
2 x 250 ohm 1/4w

Diodes-

2 x 1N4001 (If this is not available you can go for 1N4007 as well)

Small Pieces of Wires (Preferably of different colors), 1 Old Tail Lamp Bulb, 3 mm Heat Shrink Tube or Insulation Tape, Hot Melt Glue, (I think M-seal can also be used in this place), Fevicol, Feviquick, Mount board.

Tools Required -
Soldering Iron & wire, Wire Cutter, Hack Saw, File, Scissors, Cutter, Nose Pliers, Lighter (If you are using heat shrink tubes), Glue Gun or Stove (If you are using hot melt glue), 3V & 9V/12 volt battery for testing (You can connect small AA batteries together to make 9V/12V or you can use laptop charger for testing).

Methodology:
There are two ways of making the LED running lamp + brake light. Either you can have 2 different sets of LEDs for running light & brake light or you can have all the LEDs (same set) for running light as well as brake light. In the first option you have to make 2 different circuits, connect one to the running lights & other to the brake lights. You will not need diodes & some of the resistors in this type of set up. I have used the same set of LED’s for running light and brake light.
Whichever setup you employ, I would recommend connecting at least 3 and max 4 LEDs in series. These strings of 4 LEDs in series can then be connected in parallel to form the complete circuit. Please refer to the circuit diagram given below. I have total 46 red LEDs; the result is satisfactory (But not too bright). If you want higher intensity then you will have to pack about 90 red LEDs, 46 may not be enough. This is because our tail lamp has diffused lens and our setup does not contain any LED reflector as well. Alternatively, you can find the clear tail lamp lens & find out some LED reflector or fit LEDs in the bezel which will improve the intensity a lot and you may not need to increase number of LEDs. I think the stock tail light reflector from the Hero Hunk can be installed in FZ16, of course with few modifications. (I have not tested this, only kept as an option for version 2 setup)





Para sa step by step instruction kung paano niya ginawa, paki click na lang yung link. Pinost ko lang ito dito para reference ko at baka ma-delete yung post niya.

Again, credit goes to the original poster GauravB728 of xBhp.

Sunday, June 5, 2016

Advantages / Disadvantages of Bravo According to Jet Lim

Performance:

Outstanding ang performance ng Bravo. Nabili ko Bravo ko last December. Average distnce travel ko ay 2,000 kilometers per month. All stock ang Bravo ko pero meron lang akong dinagdag para sa aethetics tulad ng "araro", crossbar sa manubela, palit passenger grab handle na pang wave 100, repainting ng muffler/pipe bracket, rear coil spring, front forks at front fender, and palit ng honda emblem sticker. Medyo malaki rin gastos ko kasi brand new original Honda ang grab handle, anzahl ang pinturang ginamit at customized ang sticker na pinagawa ko.

Regular ang maintenance ng Bravo ko. Honda motor oil, Havoline motor oil at Castrol motor oil ang ginagamit ko. Sa ngayon, stick to Havoline ako. Pero baka mag shift ako sa elf. Sa regular maintenance na ginawa ko, halos motor oil lang ang pinalitan not until pag dating sa 16,000 kilometer reading na. Nag palit nako ng drive chain (EK brand na heavy duty) at denso iridium spark plug. Medyo mahal lang pero satisfied ako at ayoko ko rin tinitipid ang Bravo ko.

Mula ng pagkabili ko, ang naging problema ng Bravo ko ay busted dim headlight at busted rear park light. Although, gumagana pa ang filament ng bright light at ang brake light, pinalitan ko na pareho. At 4 times ako na flat tyre. Napalitan ko na rin rear tyre ko after 16,000 kms dahil pudpod na. Original Bravo tyre pa rin ang pinalit ko, galing sa Bravo na nagpalit ng dunlop tyres.

Hindi pa ako tinirik ng Bravo ko. Hindi pa rin ako pinalya. Fastest speed na naitakbo ko ay 110kph downhill from Tagaytay. Nagagawa ko na rin ang full throttle for about 1 hour sa Bravo at wala syang problema. Walang overheat at walang palya until now.

Medyo alerto lang ako sa hataw kasi parehong drum brake ang preno ng Bravo. OK naman ang rear drum brake kasi malakas din naman kumapit sa kalsada. Narasan ko na rin magmuntikan ng ilang beses. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari sa biglang preno ng Bravo, ang mag fishtail at ang skidding on one side sa biglaang preno. OK naman, stable ang motor, wag lang kabahan ang rider baka mawalan ng control.

Sa Bravo ko, nakakaya kong iwanan ang xrm 110, wave 100, raider j 110. Ilang beses ko silang nakakasabay at kahabulan sa kalsada. Isang beses palang ako naunahan sa dami ko nang encounter, yun ay dahil short distance lang ang tinakbo namin at lumiko na ako. Pero, di ko sinasabi na malakas ang makina ng Bravo, 100cc lang sya. Bravo can only do so much. Ang sekreto dyan ay ang gamay o pagkakabisado ng rider sa motor, skill ng rider sa pagmomotor, experience ng rider at ang lakas ng loob.

Ang hindi OK sa Bravo:

Generally OK ang Bravo. Kakaibang body design nya. Wala kang makitang imitation sa design ng body nya. Pero "beauty is in the eye of the beholder", so kanya-kanyang gusto yan. Ang pinaka malapit nyang kamukha sa Philippine market ay ang raider j.

Meron lang mga ilang parts na sa akin ay hindi masyadong nakaka-appeal sa ibang rider o would-be buyers. Isa-isahin natin.

handle bar - yup, marami talagang turn-off sa manubela ng Bravo. Pero actually, pareho ang handle bar ng Wave at Bravo, except ang sa Bravo ay hubad at tinakpan lang ng plastic cover kumpara sa Wave ay naka cover ang buong cowl ng headlight, signal lights, at gauges. At tulad ng Wave, hindi madali mag modify ng handle bar ang Bravo kasi hindi available ang parts for modification sa market. To modify, kailangan customize mo mismo. Marami na rin ang nagmodify nito sa mga members ng Philippine Bravo Riders Club (PBRC). Pioneer dyan si archer22. Meron din sa Mindanao area PBRC member. It takes ingenuity to modify Bravo's handle bar.

kick start - Walang kick starter ang Bravo kaya time and time again, this has be a topic of debate for pinoy riders. Personally, mas gusto ko ng walang kick starter ang Bravo. I have three other motorcycles aside from Bravo: Honda CB750, Honda XR200 and Honda Dio. The only one with a kick start is the Honda Dio. Sa totoo lang, di ko nagagamit kasi meron din electric starter naman. Maraming paraan para mag start ang motor kapag drain ang battery. Push start ang pinaka madali. Syempre, ang Hondo Dio hindi pwede sa push start dahil automatic transmission, kaya siguro nilagyan ng kickstart. And besides, masisira lang ang sapatos sa kickstart. Sayang din ang Nike. Isipin mo economic-wise. Kapag meron kick start, mas mahal mo bibilhin ang motor, di ba? Kung wala naman kickstart at pag dumating ang panahon na mahina na ang battery mo na di kaya ang electric start (siguro after three years), dun mo ngayon maisip na dapat meron kickstart di ba? OK, pero ayaw mong ma abala lagi kaka kick-start para gumana lahat ng electrical components mo kaya bibili ka agad ng battery. So malamang, tatlo o apat na beses mo lang gagamitin ang kickstart, balik ka na naman sa electric starter, di ba? 3 years ulit bago masira ang battery, tapos tatlo o apat na beses mo lang gamitin ang kick-start. E kung ganun, mas maganda pang walang kick-start (lesser engine weight at walang naka usling lever na maaring maka sagabal sa pagmamaneho, na kasama pang linisan at langisan para di kalawangin) dahil pwede naman i-push start ang motor. Sinubukan ko na mag push start, walang kahirap-hirap, maniwala ka.

passenger footpeg - This is the one I hated the most with the Bravo. Ang foot rest sa likod ng Bravo ay naka weld sa swing arm. Functional naman, di ba? Meron mga ibang modelong motor na ganito rin, naka weld sa sweing arm. Ang ayoko dito (sinubukan ko rin umangkas sa Bravo ko) ay kapag nag si-swing ang swing arm, sumasama ang tapakan, meaning akyat-panaog din ang paa ng angkas. Sa humps, mararamdaman mo ang pag galaw ng paa mo kapag pasahero ka. Medyo ok lang yun kasi dahan dahan naman tayo sa humps. Ang problema, kapag long ride na at sa mga lubak lubak. ramdam na ramdam mo ang bugbog mula sa paa hangang hita kapag pasahero ka. E di ba, usually ang inaangkas natin ay ang misis natin. Imagine mo na lang ang discomfort nila sa ganitong apakan. Unlike sa ibang motor, meron sariling footpeg bracket na naka-attached mismo sa batalya kaya di gumagalaw ang apakan.

no gear indicator - Kung baguhan ka mag motor, malaking bagay sayo na makita mo kung saan gear ka na. pero hindi advisable na lagi kang tumingin sa panel mo, delikado po. "Eyes on the road, please". Kapag nasanay ka na magmotor, mapapansin mo na di pala kailangan ang gear indicator. Actually, bihira ang model ng motor na meron gear indicator. Sabi nga ng matatandang rider sakin, tatlong beses ka lang titingin sa panel ng motor: bago ka mag start, pagkahinto sa traffic para malaman mo kung nasa neutral ka at paghinto mo. Un-necessary na yung tingin ka ng tingin.

drum brakes - gaya ng sinabi ko, drum brakes ang harap at likod ng Bravo. Di talaga masyadong kumakapit ang preno sa harap. Pipigain mo nung husto. Di tulad ng naka disc brake (at least sa harap na gulong), konting piga lang kapit agad. Mas meron control sa motor, safer at mas maganda ang handling

steady headlight - this ain't a problem. most sports (big) bikes have this kind of design. Walang problema at walang mali sa ganitong design.

Basically, ang mga ito lang naman ang major differences sa features ng Honda Bravo.

Accessories:

Kung gusto mong malaman kung anu-anong parts na palitan, idadagdag, bibilhin at estimate/idea kung magkano ang gagastusin para pumogi ang Bravo, please visit technical thread of the Philippine Bravo Riders Club under Manufacuter>Honda>Honda Bravo Techinical Thread. Umabot ng 10 parts/chapters ang thread na yan. Maitatanong mo lahat ng gusto mong itanong sa Honda Bravo. Meron din maraming pictures dun ng mga modified na Bravo from Luzon, Visayas and Mindanao areas.

Change Brake Master

Hay... Tagal na rin ng last post ko dito sa blog ko. Anyways, itong post ko ngayon ay dahil nag palit ako ng bagong Master ng front brake ko.

Yung luma kong master ay aftermarket lang dahil sobrang mahal ng repair kit ng original master ng Honda CB110, nasa 600 ang repair kit samantalang ung aftermarket na buong master ay nasa 300-450 lang kaya yun na lang ginawa ko, ang bumili ng bagong master.





Anyway, may nabasa akong comment dati sa 1 grouo sa FB na sinasabing wag bumili ng aftermarket for safety reason. Di ko lang makuha kung anong masama kung aftermarket at sa OEM dahil pareho lang function nila at di mo naman minodify ung brake mo. Sa ganang akin, ke OEM o aftermarket pa yan pero may sira, di yan safe pero kung maayos naman isserve pa rin niyan ang purpose niya.

So, bakit ko nga pala pinalitan yung aftermarket master ko? Kasi tumatagas na yung brake fluid ko at dahil diyan nasira na rin fairings ko. Pinalitan ko na rin ng repair kit pero ganon pa din. Kaya wala akong ibang option kundi ang palitan na ung buong master.

Ang pinalit ko ay aftermarket pa rin, pang XRM, pero kung wala kayong makitang pang XRM, puwede na yung sa ibang motor. Again, 1 lang ang function nila kaya ok lang. Ang bili ko ng master ay Php 425. Mura di ba? Kumpara mo sa presyo ng repair kit ng OEM. Pratikalan lang ngayon, di tayo mayaman para bumili ng puro OEM parts. Siguro kung lamang-loob ng makina, yun siguro OEM ang bibilhin ko.





Comment na lang kayo kung may tanong o reaction kayo.

Monday, December 29, 2014

CB110 Flasher Relay replacement

Na encounter niyo ba ung kakapalit niyo lang ng signal light bulb niyo dahil pundido na pero pag palit niyo ayaw ng gumana o mag blink?

Ganyan ang nangyari sa akin. Ang problema, ung right side lang ang di nag bblink pero ung left side gumagana.

Nag tanong-tanong ako kung anong posibleng problema, may nag sabi RELAY, ung iba WIRING at ung iba BULB. Inuna kong icheck ang wiring at bulb pero ganon pa din kaya bumili na rin ako ng flasher relay. Nung napalitan ko ung relay gumana na.

Sunday, October 26, 2014

Unang subok ko sa pag kabit ng carbon fiber sticker

Madami ng mga gasgas at kupas na plastic si Hansel at pinag iisipan ko dati kung pipinturahan ko o kakabitan ko ng carbon fiber na sticker at napag desisyonan ko na mag sticker na lang.

So, bumili ako ng carbon fiber sticker at kagabi nga ay sinubukan ko sa heat guard ng tambutso ko.

Ito ang transformation na nangyari. Sa ngayon ok na ako, pero siguro katagalan ay makukuha ko na rin ang tamang technique sa pagkabit ng carbon fiber sticker.

Wednesday, October 22, 2014

Bagong Front Brake Master at Chain Tensioner

Halos ilang buwan din akong nag tiis ng palyadong front brake simula nung nasira siya at inaayos namin sa pamamagitan ng pag palit ng repair kit mula sa HONDA na nag kakahalaga ng 600+, pero ganon pa din palyado at lumulusot pa din preno ko hanggang di na siya gumana kaya puro na lang ako foot brake.

Hanggang dumating sa punto na di ko na matiis na wala akong front brake. Ako kasi ung rider na parehong preno ang gamit pag nag bbrake.

Nag isip-isip ako kung anong options ko kung aayusin ko preno ko; 1-palitan lang ang  brake hose, 2-bumili ng repair kit ulit, 3-palitan ang master. Nag tanong tanong ako ng master at ang presyong nakuha ko ay mga 750. So, inisip ko, kung repair kit ulit, 600 na naman un, samantalang pag master buo  na siyang papalitan kaya nag desisyon ako na ung master na lang palitan ko.

Habang nag iipon, nag post ang kakilala kong rider din na may binebenta siyang bagong master at 350 lang, at meron din siya nung MONSTER CHAIN TENSIONER na hinahanap ko, kaya umorder na ako sa kanya.

Kung ako ang tatanungin mas ok na mag palit ng buong master kesa bumili ng OEM repair kit. Sa diperensya palang sa presyo, di na kelangang pag isipan ng mabuti kung alin ang bibilhin mo.

Sa ngayon napalitan ko na ang master ko at naikabit na rin ang chain tensioner.

Thursday, September 4, 2014

Update sa carrier / bracket ng cb110 ko.

Late post mga boss.

Pictures ng pag gawa ng stainless carrier / bracket ko. Tested na matibay at walang lundo. Kinakargahan namin ng mga 15 kilos na bigas at 3 box ng zesto orange.


Friday, August 29, 2014

Another tip for honda cb110 owners

Sa mga Honda CB110 owners, paki check ung picture.

Ung wiring harness na yan galing sa headlight assembly natin ay nag iipon ng tubig. Ngayong tag ulan malamang ay napasukan na yan ng tubig. Paki HIWAAN o BUTASAN niyo para may malabasan ung tubig. Isang napaka simpleng gawain para maiwasan ang mas malaking problema.

Nung nalaman ko ito, binutasan ko agad ung harness at may tumulong tubig. Malamang ito rin ang dahilan kung bakit mahina busina ko pag tag ulan dahil sa short circuit sa loob ng harness.

3 years na ang motor ko at ngayon ko lang nalaman na nag iipon pala ito ng tubig.

Paki share na lang sa mga kakilala niyong naka cb110.

*photo credit for the original poster in cb110 fb page.

Friday, August 1, 2014

Solution sa putol na clutch tensioner

As posted by Boss Jay-son

Jay-son Gonzales>‎CB110 Modified Rides - Share Your Ideas and Modsmga bro check nyo muna,,hindi paba putol ung spring nyo na nasa green circle???hehe..malamang putol na yan....kita nyo ung nasa red...bumili na kayo ng push spring sa inyong mga suking tindahan..available yan sa mga motorcycle shop at bicycle shops..hehe..

Sunday, August 25, 2013

CB110 Carrier

While browsing for some video in youtube, I saw this video of an installation of a carrier for the CB110. This may look more sturday and can handle much load than those being sold in the market.

Enjoy.

Saturday, September 29, 2012

How to secure your plate


Hi Guys, marami ngayon either nanakawin ang buong motor mo o di kaya ang plaka mo para makagawa ng kani-kanilang modus.

Anyways, ito ay isang tip lang kung paano ma-sesecure ang plaka niyo na di basta-basta makukuha ng mga kawatan.

Nakuha ko ito sa MCP, kaso nakalimutan ko na ang name nung nag post, anyway boss, pag nakita mo paki pm na lang ako para sa proper credit.

Ang kelangan niyo ay blind rivets:


Tuesday, May 22, 2012

Friday, May 18, 2012

CB110 with Rim instead of Mags

I'm posting this as a reference for other CB110/Twister owner who are planning to change their wheels.

We know that CB110/Twister comes with mags but if you have the money, then you can change it to rims and it will still look good.

For the picture, I got it from a post in Facebook (CB110 Modification group). So don't ask me for the specs of the rim and tire as I do not know anything about it. For the CB110/Twister owner, if you see this picture, please inform me so I can put your name and email on this post as my way of giving credit to its owner.

For other CB110/Twister owner, lets drool over this and hopefully in the future we can make our CB110/Twister the same as pictured.

Ride safe guys!


Tuesday, April 3, 2012

CB110 Sprocket Conversion

This was taken from Boss Owen Teodoro Escuadra post in CB110 Modification:

Most of us are having a problem in purchasing aftermarket parts for our CB110.
If you are planning to replace your stock rear sprocket you may encounter a problem looking for an exact replacement, thus, I am posting this as this can serve as a good reference for all CB110 owners.

Please look at the images below:
( Orig Sprocket (Left) / Raider Sprocket (Right) )
Before

( Orig Sprocket (Left) / Raider Sprocket (Right) )
After


Boss Owen post:
SPROKET Conversion lang yan, mahal kasi ang orig na sproket ng cb natin..pang raider yan 428/42 teeth, nagpaturno lang ako..15 teeth ang fornt ko


nagpalit na rin ako ng chain-taksago brand, 120chains..for the sproket , P250, paturno- p150, kaya 400 may rear sproket kana, compare sa p1200 ng HP. basta ang bilihin nyo bro yung plain surface ng sproket raider150/428..tapos patorno nyo nalang sa machine shop..







Wednesday, March 14, 2012

DEFENSIVE DRIVER KA BA?


as posted by boss dark knight

The 10 Commandments Of Defensive Driving

All motorists need to read this!

1. Be attentive

Always pay attention. Always check your side mirrors and look far enough to see other cars not just the one in front of you. Be alert when you are near intersections and pay attention to road signals and signs. If the sign tells you it’s slippery when wet, don’t speed up or else… Pay attention to fast cars because you’ll never know if the person driving is drunk or not.

2. Yield and give way.

Yep, you are on the right way and what you are doing is just fine. But if you see one car which is running way too fast it’s wiser to give way. Because if you get hit, you may end up dead or injured, too. It pays to be forgiving and calm when you are on the road just to increase your chances of not getting hurt or killed.

3. Don’t trust the other driver.

The third rule is another cardinal rule – don’t trust the other driver. Because you’ll never really know whether the other driver is cautious or not, it’s better to pay attention and be alert at all times.

4. No alcohol, please!

Plain and simple don’t drive when you’re drunk! You need not ask the reason because that’s plain common sense and it will not take an Einstein to realize how dangerous it is to drive while one is drunk. Defensive driving is being clean from intoxicating substances.

5. Buckle up for safety. (4-wheels above).

Yeah, that’s right buckle up for safety. Use your seatbelt. Don’t worry about your pants or shirt being slightly folded when you wear seatbelt because at least you can do something to fix it because you are still alive. But if you are dead, you’ll never really know the difference between a well-pressed and a not so well-pressed shirt.

6. Wear helmet.

For motorists, always make sure that you wear your helmets on because experiences of many people will tell you how many lives were already saved by the mere act of wearing helmets. Defensive driving also means wearing your gears.

7. Never beat the red light.

Simply put, if you try beating the red light for sure you are going to give yourself a headache if are caught doing it. So, as a piece of advice don’t.

8. Be cool.

If someone overtakes or somebody honks… be cool. It’s not the end of the world anyway. Being defensive is always better.

9. Use signals.

Use your flashers and lights properly to relay your intentions. When you will be turning left it is not hard to turn on the left signal light to alert the other driver.

10. Never Play Chicken with a Train!

If you are in the Hamlet like “to be or not to be” situation, just don’t if the train is coming. A few minutes of waiting is better than not being able to experience the next minute anymore. Defensive driving is all about being patient.

Remember all these simple things on defensive driving. By following these defensive driving tips you are sure to enjoy your trips more.

For your safety and the peace of mind of those who love you, make the most of your riding safety.