Halos ilang buwan din akong nag tiis ng palyadong front brake simula nung nasira siya at inaayos namin sa pamamagitan ng pag palit ng repair kit mula sa HONDA na nag kakahalaga ng 600+, pero ganon pa din palyado at lumulusot pa din preno ko hanggang di na siya gumana kaya puro na lang ako foot brake.
Hanggang dumating sa punto na di ko na matiis na wala akong front brake. Ako kasi ung rider na parehong preno ang gamit pag nag bbrake.
Nag isip-isip ako kung anong options ko kung aayusin ko preno ko; 1-palitan lang ang brake hose, 2-bumili ng repair kit ulit, 3-palitan ang master. Nag tanong tanong ako ng master at ang presyong nakuha ko ay mga 750. So, inisip ko, kung repair kit ulit, 600 na naman un, samantalang pag master buo na siyang papalitan kaya nag desisyon ako na ung master na lang palitan ko.
Habang nag iipon, nag post ang kakilala kong rider din na may binebenta siyang bagong master at 350 lang, at meron din siya nung MONSTER CHAIN TENSIONER na hinahanap ko, kaya umorder na ako sa kanya.
Kung ako ang tatanungin mas ok na mag palit ng buong master kesa bumili ng OEM repair kit. Sa diperensya palang sa presyo, di na kelangang pag isipan ng mabuti kung alin ang bibilhin mo.
Sa ngayon napalitan ko na ang master ko at naikabit na rin ang chain tensioner.
No comments:
Post a Comment