Hay... Tagal na rin ng last post ko dito sa blog ko. Anyways, itong post ko ngayon ay dahil nag palit ako ng bagong Master ng front brake ko.
Yung luma kong master ay aftermarket lang dahil sobrang mahal ng repair kit ng original master ng Honda CB110, nasa 600 ang repair kit samantalang ung aftermarket na buong master ay nasa 300-450 lang kaya yun na lang ginawa ko, ang bumili ng bagong master.
Anyway, may nabasa akong comment dati sa 1 grouo sa FB na sinasabing wag bumili ng aftermarket for safety reason. Di ko lang makuha kung anong masama kung aftermarket at sa OEM dahil pareho lang function nila at di mo naman minodify ung brake mo. Sa ganang akin, ke OEM o aftermarket pa yan pero may sira, di yan safe pero kung maayos naman isserve pa rin niyan ang purpose niya.
So, bakit ko nga pala pinalitan yung aftermarket master ko? Kasi tumatagas na yung brake fluid ko at dahil diyan nasira na rin fairings ko. Pinalitan ko na rin ng repair kit pero ganon pa din. Kaya wala akong ibang option kundi ang palitan na ung buong master.
Ang pinalit ko ay aftermarket pa rin, pang XRM, pero kung wala kayong makitang pang XRM, puwede na yung sa ibang motor. Again, 1 lang ang function nila kaya ok lang. Ang bili ko ng master ay Php 425. Mura di ba? Kumpara mo sa presyo ng repair kit ng OEM. Pratikalan lang ngayon, di tayo mayaman para bumili ng puro OEM parts. Siguro kung lamang-loob ng makina, yun siguro OEM ang bibilhin ko.
Comment na lang kayo kung may tanong o reaction kayo.

No comments:
Post a Comment