Wednesday, June 19, 2019

ERS 150 3pins stock flasher relay to 2pins

Nagawa ko rin na mai-convert ang 3 pins stock flasher relay ng ERS 150 ko to 2 pins. Ngayon, di na mahirap mag hanap ng kapalit kapag nasira siya. Nilipat ko rin location niya kung saan madali lang siyang palitan di tulad ng location ng original na kelangan mo pang baklasin ang ulo ng motor bago mo mapalitan. Eh, di bale nga sana kung madali lang tanggalin eh, kaso hindi. 

Sa mga nag paplano ring mag convert, panoorin niyo na lang ang video ko.


Tuesday, May 7, 2019

Finding....Short Circuit

Halos ilang buwan din akong pinahirapan nito. Halos ayaw ko ng gamitin ang ERS namin dahil sa abala na ginagawa niya tuwing gagamitin ko siya. Isipin mo ba naman, kada hinto mo mag papalit ka ng fuse. Habang bumabiyahe ka, mamamatay ang kuryente mo. Eh lalo na ang pasok ko ay sa gabi.

Naka ilang palit rin ako ng fuse at sa kada palit ng fuse ay Php 10.00 ang ginagastos ko, ok lang sana eh, kaso ang tinatagal lang ng fuse ay pag start ng motor, pag tumakbo na, putok na naman. Nanawa ako sa kakabili ng fuse at naisip ko na mamumulubi ako sa kakapalit ng fuse. Kaya naisipan ko na gumamit ng palara para gawing fuse, tutal kelangan lang naman mag start ang motor para makauwi ako o makapunta kung san man ako dapat pumunta.

Hanggang nung linggo, May 5, 2019, naisipan ko na wakasan na ang paghihirap at gastos ko. Binaklas ko ang ERS ko dahil ang napapansin ko, pumuputok ang fuse kapag ginagalaw ko ang manibela kaya ang target ko ay icheck ang wiring sa bandang ulo ng motor. Pero di pa nga ako umaabot sa ulo ng motor nakita ko na ang deperensiya.

Pakitignan na lang ang mga picture at ang suggestion ko lang din ay paki check niyo rin ang mga wiring niyo kung sakaling bagong kuha pa ang ERS niyo.

Sana makatulong itong post ko na ito sa iba pang owner ng ERS.


Huli Ka

Tignan niyo kung paano tumatama yung bracket sa wires







Saturday, March 16, 2019

First Change Oil at Gear Oil ni ERS.

Hays...after 4 months ay napa change oil ko rin si ERS. Tagal na rin pero nasa 1K palang ang tinatakbo niya. Di ko rin kasi siya magamit palagi dahil sa dami ng check point ngayon at wala pa ring OR/CR yung motor. Pero ngayong araw ay nakuha ko na ang OR/CR niya kaya puwede ng bumiyahe kahit saan.

Sa susunod ako na ang mag cchange oil nito, pupunta lang kami ng casa para sa tune-up.


Drain ng gear oil

Drain ng gear oil 2

Gear Oil

Gamit kong gear oil

May hose naman pala para sa gear oil eh




Ang nabili ko nga palang engine oil ay Castrol Active Scooter 10w-40. Presyo niya ay Php 233.00 / 800ml.

Ito naman ang spec ng langis na ito:



Wednesday, February 20, 2019

My ERS 150RII axle cover and helmet hook

Tagal ko ng inorder ito pero ngayon ko lang naikabit. Kelangan ko pang bumili ng socket wrench para magawa ko ito. Paano ba naman, yung kasamang tools ng motor ay basic tools lang pero ang mga turnilyo niya nakalubog lahat. Di bale sana kung mga philip screw head eh, kaso hindi.

DIY lang nakabit yan mga bossing. Just sharing. Black/Violet ang theme ng MS ERS150RII ko.

Helmet Hook

Axle Cap

XRM 110 Caliper on CB110

Marami ang nag tatanong kung anong front caliper daw ang puwede sa CB110 na pamalit sa original. Marami ang nag sasabi na puwede daw ang caliper ng XRM110 pero walang makapag pakita ng picture ang makapag sabi kung paano nila kinabit.

Anyway, dahil tight ang budget ko at kelangan ko ng palitan ang front caliper ni Hansel, napilitan akong bumili ng XRM110 front caliper. Ang ginawa ko, nag hanap muna ako ng mababang presyo ng caliper at ng meron na akong napagtanungan, tinanong ko kung kasya sa CB110, di rin nila masabi. So sabi ko, bahala na dahil di ko magamit si Hansel na wala akong front brake.

Ginawa ko binaklas ko ang original at dinala ko dun sa bibilhan ko para isukat. Nalaman ko na sukat ang caliper pero di ang bracket. Di siya plug and play, kelangan mag butas sa original bracket para mailagay ang caliper ng XRM, problema kelangan ko ng gamitin at wala akong panahon mag pabutas pa.

XRM 110 Caliper

XRM110 Caliper on CB110

Ito ang picture ng XRM110 caliper na nakakabit sa CB110 ko. Isang turnilyo lang ang naikabit ko dahil di na abot yung butas ng kasamang bracket sa turnilyuhan ng CB110. Alam kong medyo delikado to dahil isa lang ang sumosuporta sa caliper, ang ginawa ko na lang ay hinigpitan ko ng todo ang turnilyo para walang alog at walang play at ni road test ko.

So far, mag ttwo weeks ko ng gamit ang caliper, nakakapit pa rin siya, di pa ako nag aadjust. Tamang takbo lang naman ako, mga 40-60kph kaya ok lang at mas ginagamit ko ang rear brake ko kesa sa front brake. Kumbaga, pantulong na lang yung front brake.

Sa mga naghahanap ng solution diyan sa pagkabit ng XRM110 na caliper sana makatulong itong post ko.

Friday, January 11, 2019

Installing seat damper in Motorstar ERS 150

Sa wakas at nainstall ko rin ang seat damper na binili ko bago pa ang Pasko pero hindi ko nagawang iinstall dahil sa napakabait na bagyo na dumaan sa Pilipinas noong huling 2 linggo ng December.

Dahil nauuso ang mga ubox ngayon lalo na sa mga underbone na motor at mga scooter, malaking tulong ang seat damper sa pag bukas ng upuan ng mga motor natin at panatiliin itong naka bukas habang meron tayong kinukuha o nilalagay sa loob ng ubox natin. Naranasan mo na bang habang may kinukuha ka sa ubox mo o di kaya kapag nag papa-gas kay ay babagsak na lang ang upuan mo dahil biglang humangin ng malakas. Ngayon, kapag may seat damper ka, di mo na problema ito dahil mananatiling naka bukas ang ubox mo hanggang hindi mo ito sinasara.

Pakitignan na lang ang pictures at simpleng video na ginawa ko para mapakita ang advantage ng seat damper.