Monday, December 3, 2018

Specs ng Motorstar Easyride 150 RS II

Ano ba ang specs ni Motorstar Easyride 150 RS II? Paki-check na lang ang image sa baba na shinare sa group ng mga naka ERS.




Puwera diyan, ang bagong model nila ay may built-in USB port na kaya madali ng mag charge ng phone niyo.



Sunday, December 2, 2018

Sino ba si Motorstar


Halos lahat tayo ay kilala / alam natin ang history ng big 4 ( Honda, Yamaha, Suzuki at Kawasaki ) pero pag dating sa mga China brand di natin alam kung saan o sino ba ang nag papatakbo ng company. Alam natin na galing sa China ang mga ito at ni rerebrand lang dito sa Pinas. Kahit ako di ko ma-search sa internet kung san galing ang motor ng Motorstar.

Anyway, sa aking pag hahanap, nakita ko na ang assembler / distributor ng Motorstar na brand ay ang Eastworld Motor Industries Corporation, na may office sa Caloocan, Metro Manila. Nag start sila mag assemble at mag distribute ng China motorcycle noong 2002. Ang hindi ko lang mahanap ay kung anong company sa China ang source nila ng mga motor nila.

So mga kagulong, ang Motorstar ay hindi company kundi brand ng motor ng isang kumpanya dito sa Pilipinas na nag ddistribute ng China motorcycle. Susubukan ko pa rin na mag research o mag hanap pa ng ibang impormasyon tungkol sa kumpanyang ito para lubos natin siyang makila. Siguro panahon na rin na pag bigyan natin ang mga China motorcycle kung ito ay kaya talagang tumapat sa mga Japanese brand na kinalakihan natin.

Sa uulitin mga kagulong, RIDE SAFE!


Saturday, December 1, 2018

Ang aming Motorstar Easyride 150 II

Ito na ang sinasabi kong bagong motor namin at ang bagong brand na sana ay pagkatiwalaan ko rin sa hinaharap.


Sa ngayon ay ilang araw ko palang siyang nagagamit at di pa ako makapag bigay ng matinong feedback kaya puro picture lang muna ito.







built-in USB port









Bagong motor?


Malapit na ang pasko, ano kayang magandang regalo sa sarili? Bagong cellphone, bagong gamit sa bahay o bagong motor kaya? 7 years na rin si Hansel at kahit papaano ay di siya sumuko sa akin pero sa tingin ko panahon na para magkaroon ng ka-relyebo si Hansel sa pag serbisyo sa akin papasok ng opisina.

Madaming pag pipilian motor ngayon, ang big 4 ay walang tigil sa pag labas ng bagong model ng motor nila pero di kaya ng budget ko. Pati na rin ang mga China bike ay meron na ring mga bagong model.

Eh anong klaseng motor ba hanap ko? Underbone, scooter, pang tricycle, enduro, etc. Pinag isipan ko mabuti kung ano nga bang klaseng motor kukunin ko. Nag simula ako sa Underbone na motor, Honda Super Cub C70, na tumagal sa akin ng 10 years bago ko ibinenta.

Honda Super Cub C70

Sumunod ay ginamit ko naman ang Honda XL125 ng tatay ko na halos 20 years na ring nag serbisyo sa amin pagka tapos namin siyang ipa overhaul.

HONDA XL-125

Sumunod naman ay kumuha ako ng underbone. HONDA Bravo. Na tumagal sa akin ng mahigit 4 years. Ayaw ko mang bitawan si JASS (Honda Bravo), wala kaming magawa dahil sa kinulang ang budget at halos 2 buwan wala akong work kaya naibenta namin siya. 

Honda Bravo ( JASS)
After naming maibenta si JASS ay tamang-tama naman na natanggap ako sa bago kong work kaya kelangan ko ng panibagong service. Kaya, kumuha kami ng bagong motor at dito na dumating si Hansel (Honda CB110). 

Honda CB110 ( Hansel )
Simula ng kinuha namin si Hansel noong 2011 ay gamit ko pa rin siya hanggang ngayon. Sa 7 years na magkasama kami ay di ako masyadong binigyan ng sakit ng ulo ni Hansel. Wala major na problema. Pero sa ngayon, dapat na sigurong ipa check up ng todo si Hansel para matagal pa kaming mag sasama. Di ko naman siya mapagawa hanggang wala siyang kapalitan. Kaya, nag isip kami kung anong puwedeng idagdag sa kanya, na puwede kong gamitin habang inaayos si Hansel. 

Sa pag pili ng bagong motor, nakapag desisyon ako na wag ng tumingin sa 4 na major player ng motor. Bakit? Sa panahon ngayon, lumalaban na ang mga China na motor sa Japanese brand. Maganda na rin ang quality ng makina nila at pag dating sa mga design ng motor ay halos di na rin nalalayo ( kasi kinokopya na nila hitsura ng major player).

Anong brand ang kinuha ko ngayon? Wait for my next post dun ipapakita ko ang bago naming motor at anong model ang kinuha namin.

Saturday, June 16, 2018

Unang goody bag para kay Hansel

Gusto ko talagang kumuha ng panibagong motor para matutukan ang pag ayos kay Hansel ng dirediretso pero dahil kulang ang budget at sa dami ng bayarin ay di na ako nakakuha ng bagong motor at unti-unti ko na lang siyang aayusin o papagandahin.

Di ko alam kung ilang goody bag ang kelangan kong bilhin pa para kay hansel para maibalik siya sa dati niyang alindog kaya subaybayan niyo ang mga piyesang bibilhin at papalitan ko sa kanya sa ilang blog post ko.

Ito ang unang goody bag ko kay Hansel, at ang mga binili ko muna ay:
  • Handle Grip ( Php 150.00 )
  • Throttle Pipe ( Php 19.00 )
  • Busina ( Php 150.00 )
  • Brake Master (XRM) ( Php 250.00 )
Hindi naman ganon kalakihan ang presyo pero di rin kasi ako magastos ng basta-basta.



Update ako ulit kapag naikabit ko na itong mga piyesang ito.

Ride safe mga kagulong.

Friday, March 2, 2018

Lipat bahay ang peg ni APV

Di ko na maalala kung kelan kami bumiyahe nito pero ito yung isa pang malayong biyahe ni APV, Mariveles, Bataan. Ang kaso lang, di ito pasyal kundi naarkila para mag lipat bahay.

Bilib din naman ako kay APV kasi fully loaded yung sasakyan pero di mo maramdaman sa kanya ang pag iba ng takbo, kayang-kaya pa rin niya ang bigat namin at isa pa, di mo rin makikita na bumaba ang likurang bahagi ng sasakyan, ganda ng suspension niiya. Di tulad ng iba na kapag puno na ang likod halos dikit na rin ang body sa gulong.




Friday, February 23, 2018

Unang malayuang biyahe ng APV namin

Na rentahan ang APV namin na bumiyahe sa Manuel Uy beach sa Calatagan, Batangas. 4 hours na biyahe galing Cainta.

Umalis kami ng 1am at nakarating ng Tagaytay Rotonda ng mga 3am. Ok lang ang biyahe, smooth at walang trapik (ewan ko lang kung mag ttrapik pa ng ganyang oras.) Pagkatapos mag stop over sa 7-11, biyahe na ulit. Ang masama, naka baba ang makapal na hamog, as in zero visibility. Ang makikita mo lang ay 1 metro galing sa hood ng kotse kaya dahan-dahan ang takbo at tinitingnan ko na lang ang linya sa kalsada para iwas disgrasya. Halos 1 hour din kaming napaligiran ng hamog. Awa ng Diyos na lusutan naman namin na walang masamang nangyari.

Nakarating kami sa Calatagan ng eksaktong 5am. 


Sunday, February 18, 2018

2018 Pyro Musical

Biyahe na naman si APV kahapon pero malapit lang, sa MOA, para lang manood ng 2018 Pyro Musical.





Tuesday, February 13, 2018

Unang kita namin ng personal ni APV

Ito ang kuha namin ng una naming makuha ang APV namin. Sa Suzuki BiƱan pa namin nakuha dahil sila lang ang mabilis gumalaw at nag asikaso kaagad ng application namin. Di tulad ng iba na umabot na ng buwan pero wala pa ring update. Salamat sa ahente namin na si Jalex.




Friday, February 9, 2018

Bagong Alagain

Guys, pakilala ko ang bagong miyembro namin.


Mag ppost ako ng biyahe din namin nito at mga mods niya. Matagal-tagal kaming magkakasama nito at marami pa kaming lugar na pupuntahan.

Mag eeight months na siya sa amin pero wala pa din kaming naibibigay na pangalan. Ano kayang maganda? Hmmm... 

Wednesday, February 7, 2018

Time to Start Blogging Again.

Tagal ko na ring di nakakapag post sa blog kong ito. Sobrang busy at ang dami ng nangyari at nag bago. Di na rin kasi makapag blog dahil sa daming ginagawa at minsan tinatamad ng humawak ng computer.

Anyway, ihahanda ko lang ulit sarili ko at balik na rin ako pag dadagdag ng laman dito. Maaring ipost ko yung mga dating nangyari (2017), para maging updated lang siya. 

Sa pa rin sa babaguhin ko ay yung content ng ippost ko sa blog na ito, imbes na tungkol lang sa motorsiklo namin ay mag ppost na rin ako ng mga biyahe namin ng APV namin, kaya di na lang siya puro sa motor lang.

Sa mga bumisita at nagbasa sa mga post ko, maraming salamat. Pipilitin kong makapag post ng mas marami ngayong taon.