Blog kung san ippost ko mga biyahe ko gamit ang motor at kotse namin. Pipilitin kong maging informative ito katulad ng ibang travel blog pero wag kayong umasa gaano, hehehe. Feel free to browse my blog and comment para sa ikakaganda ng blog ko. MARAMING SALAMAT sa pag daan.
Friday, March 2, 2018
Lipat bahay ang peg ni APV
Friday, February 23, 2018
Unang malayuang biyahe ng APV namin
Umalis kami ng 1am at nakarating ng Tagaytay Rotonda ng mga 3am. Ok lang ang biyahe, smooth at walang trapik (ewan ko lang kung mag ttrapik pa ng ganyang oras.) Pagkatapos mag stop over sa 7-11, biyahe na ulit. Ang masama, naka baba ang makapal na hamog, as in zero visibility. Ang makikita mo lang ay 1 metro galing sa hood ng kotse kaya dahan-dahan ang takbo at tinitingnan ko na lang ang linya sa kalsada para iwas disgrasya. Halos 1 hour din kaming napaligiran ng hamog. Awa ng Diyos na lusutan naman namin na walang masamang nangyari.
Nakarating kami sa Calatagan ng eksaktong 5am.



