Ito ay post ni Sir Bonifacio Bosita sa FB page ng MRO. Shinare ko dito para sa mga di nakakaalam tungkol sa pagkakaron ng STUDENT PERMIT.
Brothers and Sisters, ang "Student Permit" ay HINDI po lisensya sa pagmamaneho. Ito ay nagbibigay lamang ng pahintulot na makapag-aralng pagmamaneho KASAMA ang lisensyadong drayber.
Ang pagmamaneho na Student Permit ang dala at walang kasamang lisensyadong drayber ay may paglabagna "Driving without license."
Batay sa kasalukuyang ipinatutupad ng tanggapan ng LTO, ito ay may kaukulang multa na P3,000.00, at isang (1) taong HINDI mabibigyan ng pahintulot na magkalisensya ang lumabag nito MULA sa petsa ng bayaran ang naturang multa.Kumpiskado rin ang minamanehong sasakyan, at may pananagutan ang may-ari na nagpagamit nito. P1,000.00 ang babayaran niyang multa, at dalawang (2) buwang suspendido ang:
1. Plaka ng sasakyan;
2. Rehistro ng sasakyan; at
3. Lisensya sa pagmamaneho ng may-ari ng naturang sasakyan.
Ang katumbas ng suspensyon ng rehistro ng sasakyan ay 2 buwang pagbabawal na magamit ito, at kung mahuli naman sa paglabag nito, ang multa ay P10,000.00. Ito ay itinuturing na unregistered mv o hindi rehistrado dahil suspendido.
Kung nahuli naman na may-ari ng sasakyan ang nagmamaneho na hindi pa nakakalipas ang 2 buwang suspensyon ng kanyang lisensya, P3,000.00 ang multa sa paglabag na driving without license. HINDI pwedeng tiket lamang ang ibibigay sa nagmamaneho na student permit ang dala at walang kasamang lisensyadong driver dahil taliwas ito batay sa mga katagang "T.O.P. Temporary Operator's Permit" .
Ang walang lisensya ay hindi pwedeng mabigyan ng pangsamantalangpahintulot na makapagmaneho, "No License, No Driving".
"Matalino ang sumusunod sa Batas Trapiko at Helmet Law dahil marunong umiwas sa abala at multa sa LTO, huwaran pa ng mga batang Pilipino!"
Isa po sa mga lingkod ninyo:
BONIFACIO LAQUI BOSITA
Police Superintendent