Monday, December 29, 2014

CB110 Flasher Relay replacement

Na encounter niyo ba ung kakapalit niyo lang ng signal light bulb niyo dahil pundido na pero pag palit niyo ayaw ng gumana o mag blink?

Ganyan ang nangyari sa akin. Ang problema, ung right side lang ang di nag bblink pero ung left side gumagana.

Nag tanong-tanong ako kung anong posibleng problema, may nag sabi RELAY, ung iba WIRING at ung iba BULB. Inuna kong icheck ang wiring at bulb pero ganon pa din kaya bumili na rin ako ng flasher relay. Nung napalitan ko ung relay gumana na.

Sunday, October 26, 2014

Unang subok ko sa pag kabit ng carbon fiber sticker

Madami ng mga gasgas at kupas na plastic si Hansel at pinag iisipan ko dati kung pipinturahan ko o kakabitan ko ng carbon fiber na sticker at napag desisyonan ko na mag sticker na lang.

So, bumili ako ng carbon fiber sticker at kagabi nga ay sinubukan ko sa heat guard ng tambutso ko.

Ito ang transformation na nangyari. Sa ngayon ok na ako, pero siguro katagalan ay makukuha ko na rin ang tamang technique sa pagkabit ng carbon fiber sticker.

Wednesday, October 22, 2014

Isang mensahe galing kay Sir Bonifacio Bosita

MAHALAGA po ang buhay ng mga kababayan nating mananakay sa motorsiklo, HINDI LAHAT SILA KRIMINAL!

Kailangan ng ESPESYAL na atensyon ang KALIGTASAN ng mga kababayan nating mananakay sa motorsiklo dahil kung patuloy ang pagdami ng mga tatay at mga nanay na namamatay sanhi ng mga aksidente ng motorsiklo, lalong dadami ang mga batang Pilipino na nauulila, at"NASISIRA" ang buhay at kinabukasan- isasa mga DAAN para higit pang tumaas ang bilang ng mga "riding-in-tandem criminals" at iba pang uri ng mga krimen dito sa ating bansa!

Ang MALALIM na pinsala pa ng mga nasisirang buhay at kinabukasan, HINDI madaling bumangon sa ganitong kalagayan na karaniwang MINAMANA pa ng mga susunod na kapamilya.

from Sir Bonifacio Bosita post in FB

Bagong Front Brake Master at Chain Tensioner

Halos ilang buwan din akong nag tiis ng palyadong front brake simula nung nasira siya at inaayos namin sa pamamagitan ng pag palit ng repair kit mula sa HONDA na nag kakahalaga ng 600+, pero ganon pa din palyado at lumulusot pa din preno ko hanggang di na siya gumana kaya puro na lang ako foot brake.

Hanggang dumating sa punto na di ko na matiis na wala akong front brake. Ako kasi ung rider na parehong preno ang gamit pag nag bbrake.

Nag isip-isip ako kung anong options ko kung aayusin ko preno ko; 1-palitan lang ang  brake hose, 2-bumili ng repair kit ulit, 3-palitan ang master. Nag tanong tanong ako ng master at ang presyong nakuha ko ay mga 750. So, inisip ko, kung repair kit ulit, 600 na naman un, samantalang pag master buo  na siyang papalitan kaya nag desisyon ako na ung master na lang palitan ko.

Habang nag iipon, nag post ang kakilala kong rider din na may binebenta siyang bagong master at 350 lang, at meron din siya nung MONSTER CHAIN TENSIONER na hinahanap ko, kaya umorder na ako sa kanya.

Kung ako ang tatanungin mas ok na mag palit ng buong master kesa bumili ng OEM repair kit. Sa diperensya palang sa presyo, di na kelangang pag isipan ng mabuti kung alin ang bibilhin mo.

Sa ngayon napalitan ko na ang master ko at naikabit na rin ang chain tensioner.

Tuesday, October 21, 2014

FYI tungkol sa STUDENT PERMIT

Ito ay post ni Sir Bonifacio Bosita sa FB page ng MRO. Shinare ko dito para sa mga di nakakaalam tungkol sa pagkakaron ng STUDENT PERMIT.

Brothers and Sisters, ang "Student Permit" ay HINDI po lisensya sa pagmamaneho. Ito ay nagbibigay lamang ng pahintulot na makapag-aralng pagmamaneho KASAMA ang lisensyadong drayber.

Ang pagmamaneho na Student Permit ang dala at walang kasamang lisensyadong drayber ay may paglabagna "Driving without license."

Batay sa kasalukuyang ipinatutupad ng tanggapan ng LTO, ito ay may kaukulang multa na P3,000.00, at isang (1) taong HINDI mabibigyan ng pahintulot na magkalisensya ang lumabag nito MULA sa petsa ng bayaran ang naturang multa.Kumpiskado rin ang minamanehong sasakyan, at may pananagutan ang may-ari na nagpagamit nito. P1,000.00 ang babayaran niyang multa, at dalawang (2) buwang suspendido ang:
1. Plaka ng sasakyan;
2. Rehistro ng sasakyan; at
3. Lisensya sa pagmamaneho ng may-ari ng naturang sasakyan.

Ang katumbas ng suspensyon ng rehistro ng sasakyan ay 2 buwang pagbabawal na magamit ito, at kung mahuli naman sa paglabag nito, ang multa ay P10,000.00. Ito ay itinuturing na unregistered mv o hindi rehistrado dahil suspendido.

Kung nahuli naman na may-ari ng sasakyan ang nagmamaneho na hindi pa nakakalipas ang 2 buwang suspensyon ng kanyang lisensya, P3,000.00 ang multa sa paglabag na driving without license. HINDI pwedeng tiket lamang ang ibibigay sa nagmamaneho na student permit ang dala at walang kasamang lisensyadong driver dahil taliwas ito batay sa mga katagang "T.O.P. Temporary Operator's Permit" .

Ang walang lisensya ay hindi pwedeng mabigyan ng pangsamantalangpahintulot na makapagmaneho, "No License, No Driving".

"Matalino ang sumusunod sa Batas Trapiko at Helmet Law dahil marunong umiwas sa abala at multa sa LTO, huwaran pa ng mga batang Pilipino!"

Isa po sa mga lingkod ninyo:
BONIFACIO LAQUI BOSITA
Police Superintendent

Friday, September 12, 2014

Motorcycle with reverse

Nakita ko tong post ng RUSI kanina sa FB, nag labas sila ng motorsiklo na may reverse. First in the Philippines. Bagay na bagay para sa mga tricycles.  Di na  mag tutulak si manong driver.

Thursday, September 4, 2014

Update sa carrier / bracket ng cb110 ko.

Late post mga boss.

Pictures ng pag gawa ng stainless carrier / bracket ko. Tested na matibay at walang lundo. Kinakargahan namin ng mga 15 kilos na bigas at 3 box ng zesto orange.


Friday, August 29, 2014

Another tip for honda cb110 owners

Sa mga Honda CB110 owners, paki check ung picture.

Ung wiring harness na yan galing sa headlight assembly natin ay nag iipon ng tubig. Ngayong tag ulan malamang ay napasukan na yan ng tubig. Paki HIWAAN o BUTASAN niyo para may malabasan ung tubig. Isang napaka simpleng gawain para maiwasan ang mas malaking problema.

Nung nalaman ko ito, binutasan ko agad ung harness at may tumulong tubig. Malamang ito rin ang dahilan kung bakit mahina busina ko pag tag ulan dahil sa short circuit sa loob ng harness.

3 years na ang motor ko at ngayon ko lang nalaman na nag iipon pala ito ng tubig.

Paki share na lang sa mga kakilala niyong naka cb110.

*photo credit for the original poster in cb110 fb page.

Friday, August 1, 2014

Solution sa putol na clutch tensioner

As posted by Boss Jay-son

Jay-son Gonzales>‎CB110 Modified Rides - Share Your Ideas and Modsmga bro check nyo muna,,hindi paba putol ung spring nyo na nasa green circle???hehe..malamang putol na yan....kita nyo ung nasa red...bumili na kayo ng push spring sa inyong mga suking tindahan..available yan sa mga motorcycle shop at bicycle shops..hehe..

Wednesday, June 25, 2014

Hansel top box bracket

Dahil sa ginagamit namin si Hansel di lang pang commute papunta sa trabaho o kung saan man, ginagamit din namin siya sa pamalengke. Dati, ayaw ng misis ko na mag lagay ng carrier o bracket kasi masisira porma ni Hansel, pero dahil nahihirapan na rin siyang mag buhat ng mga pinamili namin, ay pumayag nabrin siya (mas murang option ito kesa bumili ng tricycle o ng kotse).

Marami akong nakikitang bracket na mass produce pero sa tansa ko di nila kayang mag karga ng mga 25 kilos pataas at sa katagalan ay lulundo. May mga nag payo rin na mag pagawa na lang ako para mas matibay.

Ang mga mass produce na bracket nga pala ay nagkakahalaga ng 750 - 900. Samantalang ang mga pasadya naman ay nasa 800 - 1800. Buti na lang at may nahalungkat akong stainless carrier ng dati naming suzuki x3 na ipapa-repair ko na lang para puwede sa CB110.

Abangan niyo ang pag babago nitong carrier na ito.

Hansel Tires Change

Matapos ang 3 taon na pag huhulog kay Hansel, nagkaroon din kami ng budget para mapalitan ang mga gulong niya.

Ito ang mga pinalit ko:
* FRONT - MRF 90/80 (used, galing sa rouser, 700 ang bili ko, 2 weeks lang nagamit ng may-ari)
*REAR - MIZZLE 100/80 (bago, 1.6k ang bili ko)

Mga 3 months ko na rin gamit at ok naman manakbo ang motor, di rin mabigat at tama pa rin naman ang kunsumo ko. Mas ok na ngayon kasi malapad na ang mga gulong ko kumpara sa stock na gulong.

Ung MRF, nung pinalitan namin, di kami nahirapan dahil nag fit kaagad siya. Ung MIZZLE naman, dito kami nahirapan, ayaw lumapat ang gulong sa stock rim, kelangan pang lagyan ng interior sa loob para lumapat. Kung meron kayong alam na dahilan kung bakit ganito, pa comment na lang dito.

Ang pagbabalik

Matagal-tagal na rin akong di nakapag post sa blog na ito dahil sa walang internet connection dito sa bahay. Pero ngayong meron na ulit, balik na ako sa pag ppost.

Umpisa nga pala ngayon, ang mga post ko ay nasa wikang TAGALOG na, kaya kung meron mang makapag search nito, gumamit na lang kayo ng GOOGLE TRANSLATE para maiintindihan ang post ko.

Iniisip kong palitan ulit ang title ng blog ko kasi medyo di nako masyadong active sa motorcycle world, di na nga ako nakakapag ride, nagagamit ko na lang ang motor pag pumasok sa trabaho at kapag namalengke kami. Ano sa tingin niyo?

So mga readers at followers ko (kung meron man), asahan niyo ang pag update ko sa blog ko, target ko na makapag post kahit 1 sa isang linggo.

Mga co-riders, ride safe at mag dala ng kapote palagi at tag-ulan na.

-coolworld