Monday, February 6, 2012

Motorcycle lane ipapatupad na sa EDSA bago ang Valentine’s Day

reposting at baka nakakalimutan niyo na na malapit na ang February 14 at mag rarason na naman kayo na di niyo alam.


Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilunsad ang segregated motorcycle lane sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) bago ang Valentine’s Day sa Pebrero 14.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sinimulan na ang groundwork sa implementasyon ng motorcycle lane na nagresolba sa serye ng aksidenteng sa daan partikular sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
“I think before Valentines Day we will implement a similar plan along EDSA. I have already ordered my men to start installing the signages that would inform motorists of our plan,” pahayag ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na ang plano sa implementasyon sa nasabing iskema sa 24-kilometrong kalsada sinimulan noong nakaraang taon matapos itong ipatupad ng ahensiya sa 12.5 kilometrong Commonwealth Avenue, tinaguriang “killer highway”, at ng Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay City.
Pinag-iisipan ding ipatupad ang iskema sa C-5 Road.
Ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang nagtulak sa MMDA na maglagay ng motorcycle lane kasabay ng pagpapatupad sa 60-kilometer per hour speed limit sa mga sasakyan noong nakaraang taon.
Rumehistro sa rekord ng MMDA Road Safety Unit na patuloy ang pagtaas sa serye ng aksidente sa motorsiklo sa Metro Manila. Naitala ang 12,656 na nasugatan at 104 na nasawi noong 2008; 13,561 nasugatan at 105 nasawi noong noong 2009; at 16,208 nasugatan at 177nasawi noong 2010. – Nannet Valle

No comments: