Friday, June 7, 2013

PASENSIYA KA NA

Came across this letter in FB and I am reposting this on my blog to let my co-rider look inside their conscience. Are we just thinking about ourselves? Are we just satisfying our desire to have speedy motorcycle? Are we not thinking how other people think about us. Read on and ask yourself.....

PASENSIYA KA NA

Pasensiya ka na, kung lagi kong dinadasal na sana ay mabangga ka, mawasak ang iyong motorsiklo at huwag ka nang umabot ng buhay sa ospital. Pasensiya ka na kung tuwang-tuwa ako gabi-gabi, kapag napapanuod ko ang balita na isa, dalawa o higit pa ng mga gaya mo ang bumangga sa truck, sa concrete barrier, o sa iba pang sasakyan, nahulog sa kanal o sa sapa, o sumemplang sa madulas na kalsada. Pasensiya ka na kung minumura ko ang mga gaya mo kapag dinaranan mo ako sa kalye.

Pasensiya ka na, dahil ito lamang naman ang puwede kong gawin habang pinagtitiisan ko araw at gabi ang ingay at usok na dulot ng tambutso ng iyong motorsiklo. Pasensiya ka na dahil ito lamang ang puwede kong gawin sa tuwing magugulantang ako sa aking patulog kapag dumaraan kang humaharurot, dala ang nakatutulig na ingay na tila ba kulog sa dis-oras ng gabi.

Wala ka bang konsensiya? Hindi mo ba naiisip man lang na kay daming tao ang pine-perhuwisyo mo ng napakaingay at lasong-usok ng motorsiklo mo? Mga maysakit na nakaratay sa higaan, mga batang nagaaral, mga trabahador na nagpapahinga, at kahit iyong nanunood lang ng telebisyon o nakikinig ng radio sa kanilang mga tahanan o simpleng nagkukuwentuhan lamang. Hindi ba napaka-walanghiya mo naman niyan?

Tahimik ang motor na iyan ng bilhin mo sa tindahan. May "silencer" ang tambutso, Bakit mo tinanggal? Dahil, sabi mo, para tumulin at para 'mapansin' ka ng ibang mga sasakyan. Bakit, ang ating bang mga kalsada ay lugar ng karerahan? O baka naman talagang ubod ka nang yabang? At bakit wala kang modo sa kalsada? Lusot ka ng lusot, kaliwa't kanan. Ayaw mong magdahan-dahan ni ayaw mong matitigil kahit saglit lang. Hindi ganyan ang tao. Magpaka-tao ka naman.

Pasensiya ka na kung sakaling pakinggan ng Diyos ang aking dasal. Sana nga ay kunin ka na ni Lord, agad!

******

Sa mga nakabasa nito, sana ay 'friend' ninyo si Korina Sanchez, si Ted Failon, si Jessica Soho, si Arnold Clavio, ang Tulfo Brothers, si Nancy Binay, si Cynthia Villar, si Antonio Trillanes, si Gregorio Honasan, si Bong Revilla, si Vice Ganda, si Tado, si Willie Revillame, si Manny Pacquiao, si Mar Roxas, si Kris Aquino, at lahat ng hindi nakakapansin sa matinding "air and noise pollution" na dulot ng mga motorsiklo sa ating kawaawang bayan, PLEASE LANG, paki-share naman sa kanila. Huwag na po ninyong i-share kay Pangulong Aquino dahil wala namang mangyayaring maganda. Maraming-maraming salamat po! Pasensiya na po.

1 comment:

Anonymous said...

I am regular reader, how are you everybody?
This post posted at this web site is truly
pleasant.

Also visit my web blog longchamp sale