Ilang buwan din akong nag tiis na walang busina dahil sa laki ng gagastusin ko, battery at busina. Pero nung nakaraang buwan lang ay nagkaroon ng budget at naka bili rin ng battery at mga ilang linggo lang ay naisunod ko na ang busina.
Ilang taon ko ding gamit ang stock na busina ng CB110 ko hanggang bumigay siya ilang buwan na nakaraan.
Nag hanap ako ng murang busina pero malakas at ito ang nahanap ko.
So, ngayong araw ay pinagbigyan ako ng panahon, kahit na may bagyong Karen ay di siya umulan ng buong araw at nagkaroon ako ng chance na ikabit ang busina.
Pansamantala ay puro mga temporary ang connection ko, di kasi naka bili ng terminal para sa relay at horn pero aayusin ko ulit siya pag day off ulit.
Kamusta busina? Ok naman, malakas siya, mapapansin ka rin sa kalsada.
Para sa mga mag kakabit o mag dDIY, ito ang sinunod kong diagram.
Ngayon... Trigger happy na naman ako sa mga pasaway sa kalsada.

posted from Bloggeroid