Wednesday, June 25, 2014

Hansel top box bracket

Dahil sa ginagamit namin si Hansel di lang pang commute papunta sa trabaho o kung saan man, ginagamit din namin siya sa pamalengke. Dati, ayaw ng misis ko na mag lagay ng carrier o bracket kasi masisira porma ni Hansel, pero dahil nahihirapan na rin siyang mag buhat ng mga pinamili namin, ay pumayag nabrin siya (mas murang option ito kesa bumili ng tricycle o ng kotse).

Marami akong nakikitang bracket na mass produce pero sa tansa ko di nila kayang mag karga ng mga 25 kilos pataas at sa katagalan ay lulundo. May mga nag payo rin na mag pagawa na lang ako para mas matibay.

Ang mga mass produce na bracket nga pala ay nagkakahalaga ng 750 - 900. Samantalang ang mga pasadya naman ay nasa 800 - 1800. Buti na lang at may nahalungkat akong stainless carrier ng dati naming suzuki x3 na ipapa-repair ko na lang para puwede sa CB110.

Abangan niyo ang pag babago nitong carrier na ito.

Hansel Tires Change

Matapos ang 3 taon na pag huhulog kay Hansel, nagkaroon din kami ng budget para mapalitan ang mga gulong niya.

Ito ang mga pinalit ko:
* FRONT - MRF 90/80 (used, galing sa rouser, 700 ang bili ko, 2 weeks lang nagamit ng may-ari)
*REAR - MIZZLE 100/80 (bago, 1.6k ang bili ko)

Mga 3 months ko na rin gamit at ok naman manakbo ang motor, di rin mabigat at tama pa rin naman ang kunsumo ko. Mas ok na ngayon kasi malapad na ang mga gulong ko kumpara sa stock na gulong.

Ung MRF, nung pinalitan namin, di kami nahirapan dahil nag fit kaagad siya. Ung MIZZLE naman, dito kami nahirapan, ayaw lumapat ang gulong sa stock rim, kelangan pang lagyan ng interior sa loob para lumapat. Kung meron kayong alam na dahilan kung bakit ganito, pa comment na lang dito.

Ang pagbabalik

Matagal-tagal na rin akong di nakapag post sa blog na ito dahil sa walang internet connection dito sa bahay. Pero ngayong meron na ulit, balik na ako sa pag ppost.

Umpisa nga pala ngayon, ang mga post ko ay nasa wikang TAGALOG na, kaya kung meron mang makapag search nito, gumamit na lang kayo ng GOOGLE TRANSLATE para maiintindihan ang post ko.

Iniisip kong palitan ulit ang title ng blog ko kasi medyo di nako masyadong active sa motorcycle world, di na nga ako nakakapag ride, nagagamit ko na lang ang motor pag pumasok sa trabaho at kapag namalengke kami. Ano sa tingin niyo?

So mga readers at followers ko (kung meron man), asahan niyo ang pag update ko sa blog ko, target ko na makapag post kahit 1 sa isang linggo.

Mga co-riders, ride safe at mag dala ng kapote palagi at tag-ulan na.

-coolworld